Translate

Thursday, May 2, 2013

Bestfriend by: Eldon

“Bro, hindi ka ba nalilibugan sa akin?”
“Gago!!!” sagot ko kay Joey sabay tawa.
Pinagmasdan ko ang mokong, nakaharap sa salamin, tinitingnan ang sariling repleksyon at pa posing-posing pa. Shorts lang ang suot nya at tila isang wrestler na ini-stretch ang katawan at braso. Hmmmnn… maganda naman talaga ang katawan ng kaibigan kong ito. May ibubuga. Pero kaibigan ko sya, bestfriend, pare, barkada… Hindi syota. Aminado akong humahanga sa kanyang kakisigan subalit mas nananaig ang respeto ko sa kanya dahil sa kabutihan nya sa akin. Siguro kung sa ibang pagkakataon, kung hindi kami close baka pinatulan ko na sya. Kaya lang… straight sya e.
___________________________________________________________________
Chapter 1
Ako si Eldon, 24 years old. Isang empleyado dito sa Makati. Kaibigan ko si Joey since college. Magkabarkada kami. Sa grupo naming anim (apat na lalaki at dalawang babae) ay mas malapit kami ni Joey sa isa’t-isa. Marahil ay mas marami kaming bagay na pinagkakasunduan. Kaya naman noong magpasya akong magtrabaho dito sa Makati ay sumama din sya at sabay kaming nag-apply. Natanggap ako bilang marketing assistant at sya naman ay accounting staff sa magkaibang kumpanya. Dalawang taon na kaming magkasama sa inuupahang studio-type dito rin sa Makati. Maayos ang naging samahan namin ni Joey sa kabila ng pagkakatuklas nya sa aking lihim.
Walong buwan na ang nakakalipas ng aksidenteng maiwan ko ang aking “Freshman” magazine sa ibabaw ng aking side table. Pag-uwi ko ng hapon ay nadatnan kong nakaupo si Joey sa kama ko at binunuklat ang mga pahina ng magazine. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko. Ang aking lihim!!!
Napatingin sa direksyon ko si Joey.
“Bro, ano ‘to? Bakit meron ka nito?” tanong nya sabay pakita sa akin ng magazine.
“Ah… eh… hiniram ko lang yan. Hindi sa akin yan.” Alinlagang sagot ko.
“Tol, bakla ka ba?” seryosong tanong nya.
“Ha?…” hindi ko malaman ang isasagot ko. Gusto kong maiyak sa hiya pero walang luhang pumapatak sa mata ko. Ang alam ko, pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan.
“Sabi ko, bakla ka ba?” ulit nya. Hindi sya mukhang galit pero hindi rin naman sya mukhang natutuwa sa natuklasan.
Napayuko ako at marahang tumango… Handa na ako sa isusumbat nya. Kung sasapakin nya ako, aba, sasapakin ko rin sya. Wala akong atraso sa kanya para saktan ako. Ok lang sa akin na ipamukha nya ang paglilihim ko pero kung pisikal na, kaya kong lumaban. Pero ang totoo, malayong magkasakitan kami ng kaibigan kong ito. Nasa 5’7 ang height ko, 5’8″ naman si Joey. Magkasing laki lang ang aming mga katawan.
“Oh… bakit nakayuko ka dyan? Nahihiya ka? Uy, ok lang sa akin yon, walang kaso. Hehehe!”
“Haaa?!?” ako naman ang nagtaka.
Napatingin ako kay Joey. Nakangiti ang kaibigan ko. Nagtatanong ang mga mata ko.
“Sabi ko, walang kaso sa akin kung bading ka man. Basta wag mo lang akong re-reypin ha! Hahaha!” todo ang tawa ng loko.
Nahimasmasan ako. Napangiti.
“Gago! Bakit naman kita re-reypin eh unang-una, hindi kita type!” pambawing sagot ko.
“Ows? Malay ko, baka pinagnanasaan mo rin ako. Hehehe!” pang-iinis pa nya sabay hagod sa kanyang buhok at nagpa-cute.
Natawa ako. Aaminin ko na noong unang makilala ko si Joey ay humanga na ako sa kanya. Hindi sya sobrang gwapo at lalong hindi sya panget. May natural syang appeal na talagang magugustuhan ng kahit na sino. Naniningkit ang mga mata niya pag siya’y ngumingiti at lumalabas ang dalawang biloy sa kanyang pisngi kasabay nito. Noong una, iniisip ko sya pag nagsasariling sikap ako pero ng lubos ko na syang nakilala ay parang nahihiya na ako na imadyinin ang hubad nyang katawan habang nagpaparaos. Eventually, nahinto rin ang pagnanasa ko sa kanya at napalitan ng tunay na pagkilala sa isang kaibigan.
“Halika nga dito, upo ka dito.” Aya ni Joey.
Lumapit naman ako at naupo sa tabi nya.
“Bakla ka ba talaga?” ulit nya sabay tawa.
“Sira! Pero po, noon ko pa gustong sabihin sayo kaya lang baka magalit ka eh.” Sagot ko.
“Tol, naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Ganyan din yung bunso kong kapatid pero mahal na mahal ko ‘yon. Kaya pag may nanukso o nanloko nga sa kanya, gulpi aabutin sa akin.” At inakbayan ako ni Joey.
“Bro, salamat ha. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Pero salamat talaga.”
“Wala kang dapat ikabahala. Ikaw kasi, kung saan-saan mo nilalagay ‘tong porno mo, ayan tuloy nakita ko. Ang lagkit… dikit dikit na ang mga page… Yuck!!!” sabay abot sa akin ng magazine.
“Hahaha! Luko-luko ka talaga. Akin na nga yan.” Sabay agaw ng magazine.
“Pero alam mo ‘tol, hindi talaga ako makapaniwala. Nakatatlong syota ka na a. Di ba?”
“Wag ka ng magtanong pwede? Tanggapin mo na lang. Ok?”
“Pikon!!! Hahahaha!” At binato ako ng unan ng damuho kong kaibigan sabay pasok sa banyo.
Para akong nabunutan ng tinik sa pangyayari. Matagal ko na talagang ibig ilantad kay Joey ang aking pagkatao. Subalit nauunahan lagi ako ng takot at hiya. Ang inaakala kong magiging iba na ang pakikitungo ni Joey sa akin simula ng mabunyag ang aking lihim ay hindi nangyari. Nanatili syang mabait at close pa rin kami. Walang nabago. Isang ‘thank you’ card ang ibinigay ko sa kanya at naglalaman doon ang lahat ng bagay na gusto kong sabihin sa kanya…
Bro, salamat sa pang-unawa. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil sa kabila ng lahat, tinanggap mo pa rin ako bilang isang kaibigan. Hindi ko sasayangin ang pakikisamang ipinagkaloob mo sa akin. Tatanawin kongmalaking utang na loob ito.
Eldon